Sunday, March 8, 2009

ALL ABOUT LOLAY

my grandma died yesterday, mARCH 7, 09. Sabi nga ng kaibigan ko, at least daw ng binawian sya ng buhay andun ako sa tabi nya, katulad ng maliit pa ako na lagi syang nasa tabi ko. . pero ewan ko kung matutuwa ako dahil at least naka pagpahinga na sya at 89 years of age, but on the other side of it, parang nalulungkot ako dahil sa huling mga araw nya, hindi ko man lang sya naalagaan or nabisitahan ng maraming beses. considering na sya ang nagpalaki sa akin noong maliit ako.

seguro, naubos ang panahon ko sa pakikibaka sa agos ng buhay na mahirap. katulad din ng nanay ko noon na halos hindi ko nakasama ng madalas lalo na sa mga travels ko. I also have not spent that much time with my grandma in these last few years. sabi nga laging nasa huli ang pagsisisi.

pero sa isang banda, ganoon naman talaga seguro ang buhay eh, pabago bago talaga. although inalagaan naman talaga sya ng maayos ng mga anak nya, iyon naman seguro ang importante na sa huling sandali ng iyong buhay ay may nakikita kang nag aalaga sa iyo at nag aalala. kaya alam ko, hindi naman naging kawawa ang kalagayan ng lola ng syay nabubuhay pa.

pero malungkot pa din talaga ako dahil I will never see her again but the same thing din, masaya na din ako dahil magkikita na sila ng nanay at tatay ko and they will be both happy and proud of me, dahil kahit wala na silang lahat, nairararaos ko kaming magkakapatid at mga naiwan ng mga magulang ko na mga anak ng lola ko.

noong buhay pa ang lolo ko, hindi iyon bilib sa akin dahil hindi ako naging abogado or titulado katulad ng gusto nyang mangyari sa aming lahat, and my grandmother has always been my defender, at alam ko when they both see each other sa kabilang buhay . . she will tell my lolo ( we call them loloy and lolay) "Jamin (this how she calls my grandpa whcih is short for Benjamin) di ba, tignan mo ang bading mong apo na gustong mag artista, naging Commissioner din, may title din syang nakuha - maniwala ka sakin?" . . . ganun ang lola ko, laging nakatingin sa kaya naming abutin kahit hindi pa dumarating ang tamang pananon ay kanya ng nakikita naman din. Sa mga trainings kong binibigay, ito iyong tinatawag naming Visioning. Ganun ang Lola ko, laging may envision na para sa amin. At hindi ako magtataka kung bakit ganun sya, siempre, naging Principal ata ang lola ko sa public school. Felisa A. Ebeo - Principal. . . Kaya pala, noong sumasama ako sa kanya sa school. mahal na mahal ako ng mga teachers, iyon pala nagpapalakas silang lahat kay lolay, dahil pag principal ka pala, may powers ka. kaya sa lahag ng mga pinsan kong teachers, si Lolay ang role model nila. . . Principal.

in some ways or the other, I am like my grandma too, very strong, at magala. laging nasa byahe. . . hindi pa uso ang jetsetters noon, traveler na ang lola ko. they were one of the few who can afford to take the plane. ito iyong Foker 50 pa lang ang mga eroplano na bumibiyahe papunta sa amin. Kaya salamat sa kay Lolay namin, she set the course for us to do a lot of travels kaya sa awa ng Diyos, halos mabilang mo na lang sa limang daliri ang mga apo nyang andito, dahil ayun, lumayas na ang iba. hindi naman sa kabilang buhay . . andyan lang sa amerika, middle east, sa visayas ang maynila.

natatawa nga ako kanina dahil I asked my make up artists sa parlor ko na ayusan ang lola dahil ang pangit ng pagkaka ayos sa kanya ng funeral parlor .pulang pula, parang may german measles . . . after syang ayusan, naku ang ganda na ng lola ko, ang nakakatawa, sabi ko, lagi na lang buena mano ang pagpapa make up ng mga mahal ko sa buhay sa aking beauty salon. . . laging first and the last dahil laging patay na sila bago namin ayusan sa parlor. una ang nanay ko . tapos ang lola Maria ko na namatay din ng March last year . . una silang nalagyan ng make up services ng aking Beauty Salon noong patay na sila, seguradong hindi na uulit mga iyon, . . ngayon heto na naman ang lolay Fely ko. naku mabuti na lang naka pag paayos na ang iba sa inyo sa beauty parlor ko or else baka ayusan kitang nasa loob ka na ng kabaong ha.

dito na lang muna, sana kahit papaano maiibsan ang kalungkutan ko sa aking pagsusulat na ito.

nagmamahal na apo ni Lolay,

carlo

1 comment:

  1. Hi Carlo, My condolences to your family's loss.. Your Granma has a life on this earth that worth living for...sandra

    ReplyDelete