Saturday, February 16, 2013

BANWE


Banwe: Ang Alamat ng Mundo ng Tribung Blaan
Sinulat ni Josephine C. Turner

Banwe o Tah Tana ang tawag ng tribung Blaan sa kanilang mundo. Fye Tana ang paglalarawan sa kanilang  mundo kapag may liwanag ng araw at maganda ang panahon. Se Tana naman ang tawag kapag merong malakas na bagyo at dumadagundong na kulog kasabay ang kidlat. Mayaw Tana naman ang tawag kapag ang merong ulan at init ng araw sa parehong panahon. Ang mundo ay nilikha ng Dwata, ang tawag sa kanilang manlilikha. Ayun sa kanilang alamat, sa mahabang  panahon, walang lupa na makikita at ang kadiliman ang namamayani. Tinatawag nila ang lupa bilang Tah Tana, ang kalangitan bilang Tah Labun, ang karagatan bilang Mahin, ang mga ilog bilang Salwen o Ba Yeel, ang mga bituin bilang Blatik, at ang mga bundok bilang Bulol.
Ang mga tao ay nilikha mula sa mga abo at ay binigyan ng hugis tao. Ang mga mata at ilong ay nilikha rin. Noong nilikha ni Fye Weh ang ilong, sinigurado nito na nakaposisyon ang ilong sa isang paraan na ang tubig hindi ay madaling makapasok sa ilong kapag ito ay umulan. Pagkatapos ang mga iba’t-ibang porma at bahagi ng katawan na gawa sa abo, niluto ang mga ito at naging tao. Ang mga taong may kayumanggi na kulay ay mayroong tamang pagkaluto.
Ang mga sapa o ilu-ilugan noon ay tuwid at hindi paese-eseng guhit. Gusto ni Fye Weh (mabuting espiritu) na ito ay tuwid, ang mga sapa bilang hugis blangon (hugis puso), ang buhangin bilang butil ng bigas, at ang tubig bilang langis upang ang mga tao ay mag-iwan ng maganda at matiwasay na buhay. Gayunpaman, taliwas naman ang gusto ni Se Weh, ang masamang espiritu. Gusto niya na ang mga sapa ay puno ng mga bato upang ang mga tao ay mamatay kapag sila ay napa-untog sa mga bato. Gusto rin niya ang may paese-eseng direction ng sapa upang ito ay magiging taguan ng mga taong naglalaban-laban. Ang mga tao ay naghihirap sa buhay dahil sa kay Se Weh (Helen Lumbos, Malungon, Sarangani Province).
Mele ang pangalan ng tribung Blaan para sa kanilang Diyos. Ang terminong "Dwata" ay hango mula sa tribung Tboli. Walang nakakaalam sa kasarian o hitsura ni Mele. Walang nakakita kay Mele maliban lang sa mga napili ni Mele bilang kanyang mga kasama (mabatun) sa ika-walong langit. Kilala rin si Mele bilang Ftabo To, ang nagbibigay buhay sa mga tao, lumikha ng mga kabayo at iba pang mga hayop, para sa kung sino man ang nagkasala sa tribo ay may pambayad sa kanilang pagkakasala. Inaasahan ni Mele na ang lahat ng tao ay sumusunod sa kanya at ang pangako sa buhay na walang kamatayan (imortalidad). Ginagarantiya ang kaparusahan sa di pagsunod sa kay Mele.
Ang isang mabuting espiritu ay hindi naiinggit sa ibang tao at ang hindi kumikimkim ng galit laban sa mga tao. Ang masamang espiritu ay tinatawag na busaw, o gaman. Ito and mga espirituna may impluwensya sa tao upang gumawa ng mga pagkakasala na hahantong sa kanilang kamatayan. Ang mga espiritu ng mga puno (amfun kayo), tubig (amfun yael), o burol  (amfun bungtod) ay madaling paamuhin. Sila ay nagpaparamdam sa mga tao kung sa anumang paraan sila ay nasaktan. Kung sila ay naapi o nasaktan, isang ritwal na tinatawag na damsu ay maaring gawin at iaalok sa kanlia upang hilingin ang kapatawaran na kalimitan naming ibinibigay.
Ang tribung Blaan ay naniniwala sa kaluluwa at imortalidad. Naniniwala din sila sa huling paghatol ngunit hindi sila naniniwala sa impiyerno. Kapag ang isang namatay, ang kanyang kaluluwa ay napupunta sa Layef (langit), Almagol (sa ilalim ng lupa), o Kayong (sa mga tao na namatay sa aksidente o  pinatay), o sa kabilang banda( kilot, lugar kung saan ang mga kaluluwa ng mga taong namatay sa natural kadahilanan ay doon  pupunta).
Ang nasabing alamat ay isa sa mga dokumentasyon na naibahagi ni Helen Lumbos at Betty Katug habang ginagawa ang pagsusuri sa iba’t-ibang kultura ng mga naninirahan sa probinsiya ng Sarangani na pinangungunahan ng Indigenous Peoples Development Program ( Gloria, et.al., 2006).