Banwe: Ang Alamat ng Mundo ng Tribung Blaan
Sinulat ni Josephine C. Turner
Banwe
o Tah Tana ang tawag ng tribung Blaan
sa kanilang mundo. Fye Tana ang
paglalarawan sa kanilang mundo kapag may
liwanag ng araw at maganda ang panahon. Se
Tana naman ang tawag kapag merong malakas na bagyo at dumadagundong na
kulog kasabay ang kidlat. Mayaw Tana
naman ang tawag kapag ang merong ulan at init ng araw sa parehong panahon. Ang
mundo ay nilikha ng Dwata, ang tawag sa kanilang manlilikha. Ayun sa kanilang
alamat, sa mahabang panahon, walang lupa
na makikita at ang kadiliman ang namamayani. Tinatawag nila ang lupa bilang Tah Tana, ang kalangitan bilang Tah Labun, ang karagatan bilang Mahin, ang mga ilog bilang Salwen o Ba Yeel, ang mga bituin bilang Blatik, at ang mga bundok bilang Bulol.
Ang mga tao ay nilikha mula sa mga abo
at ay binigyan ng hugis tao. Ang mga mata at ilong ay nilikha rin. Noong
nilikha ni Fye Weh ang ilong,
sinigurado nito na nakaposisyon ang ilong sa isang paraan na ang tubig hindi ay
madaling makapasok sa ilong kapag ito ay umulan. Pagkatapos ang mga iba’t-ibang
porma at bahagi ng katawan na gawa sa abo, niluto ang mga ito at naging tao.
Ang mga taong may kayumanggi na kulay ay mayroong tamang pagkaluto.
Ang mga sapa o ilu-ilugan noon ay tuwid
at hindi paese-eseng guhit. Gusto ni Fye
Weh (mabuting espiritu) na ito ay tuwid, ang mga sapa bilang hugis blangon (hugis puso), ang buhangin
bilang butil ng bigas, at ang tubig bilang langis upang ang mga tao ay mag-iwan
ng maganda at matiwasay na buhay. Gayunpaman, taliwas naman ang gusto ni Se Weh, ang masamang espiritu. Gusto
niya na ang mga sapa ay puno ng mga bato upang ang mga tao ay mamatay kapag
sila ay napa-untog sa mga bato. Gusto rin niya ang may paese-eseng direction ng
sapa upang ito ay magiging taguan ng mga taong naglalaban-laban. Ang mga tao ay
naghihirap sa buhay dahil sa kay Se Weh
(Helen Lumbos, Malungon, Sarangani Province).
Mele
ang pangalan ng tribung Blaan para sa kanilang Diyos. Ang terminong "Dwata" ay hango mula sa
tribung Tboli. Walang nakakaalam sa kasarian o hitsura ni Mele. Walang nakakita kay Mele
maliban lang sa mga napili ni Mele bilang
kanyang mga kasama (mabatun) sa ika-walong langit. Kilala rin si Mele bilang Ftabo To, ang nagbibigay buhay sa mga tao, lumikha ng mga kabayo at
iba pang mga hayop, para sa kung sino man ang nagkasala sa tribo ay may
pambayad sa kanilang pagkakasala. Inaasahan ni Mele na ang lahat ng tao ay sumusunod sa kanya at ang pangako sa
buhay na walang kamatayan (imortalidad). Ginagarantiya ang kaparusahan sa di pagsunod
sa kay Mele.
Ang isang mabuting espiritu ay hindi naiinggit
sa ibang tao at ang hindi kumikimkim ng galit laban sa mga tao. Ang masamang
espiritu ay tinatawag na busaw, o gaman. Ito and mga espirituna may impluwensya
sa tao upang gumawa ng mga pagkakasala na hahantong sa kanilang kamatayan. Ang
mga espiritu ng mga puno (amfun kayo),
tubig (amfun yael), o burol (amfun
bungtod) ay madaling paamuhin. Sila ay nagpaparamdam sa mga tao kung sa
anumang paraan sila ay nasaktan. Kung sila ay naapi o nasaktan, isang ritwal na
tinatawag na damsu ay maaring gawin
at iaalok sa kanlia upang hilingin ang kapatawaran na kalimitan naming
ibinibigay.
Ang tribung Blaan ay naniniwala sa
kaluluwa at imortalidad. Naniniwala din sila sa huling paghatol ngunit hindi
sila naniniwala sa impiyerno. Kapag ang isang namatay, ang kanyang kaluluwa ay
napupunta sa Layef (langit), Almagol (sa ilalim ng lupa), o Kayong (sa mga tao na namatay sa
aksidente o pinatay), o sa kabilang
banda( kilot, lugar kung saan ang mga
kaluluwa ng mga taong namatay sa natural kadahilanan ay doon pupunta).
Ang nasabing alamat ay isa sa mga
dokumentasyon na naibahagi ni Helen Lumbos at Betty Katug habang ginagawa ang
pagsusuri sa iba’t-ibang kultura ng mga naninirahan sa probinsiya ng Sarangani
na pinangungunahan ng Indigenous Peoples Development Program ( Gloria, et.al.,
2006).
No comments:
Post a Comment